Sumulat, Umawit: Isang Panayam sa Pagsulat ng Awit
Para sa buwan ng Mayo, inihahandog ng LIRA ang “Sumulat, Umawit,” isang panayam sa pagsulat ng awiting Filipino. Si Heber Bartolome ng Banyuhay ang panauhing tagapagsalita. Gaganapin ang panayam sa ika-24 ng Mayo, Sabado, 9:00 ng umaga sa kanyang studio-gallery sa # 170 Banlat Road, Tandang Sora, Quezon City.
Ang mga awit ni Heber Bartolome ay ginagamit at pinag-aaralan sa mga doctoral thesis ng mga iskolar sa iba’t ibang pamantasan. Lumaki si Heber sa iba’t ibang bahagi ng Katagalugan kung saan man madestino ang kanyang ama. Ang unang dalawang taon niya sa high school ay ginugol sa Philippine Wesleyan University sa Cabanatuan. Natigil siya nang dalawang taon ngunit sa halip na umistambay, nagtinda siya ng kendi, sigarilyo, gulaman, diyaryo, komiks, at iba pa upang suportahan ang magulang sa pagpapaaral ng nakatatandang kapatid. Tinapos niya ang high school sa Novaliches. Sa sariling pagsisikap, nakatapos siya ng Bachelor of Fine Arts at M.A. Philippine Literature sa U.P. at naging guro ng panitikan sa De La Salle University (1981-1984). Patuloy si Heber sa adhikang mapaunlad ang kulturang maka-Filipino lalo na sa paglikha ng mga awit. Ayon sa kanya, “ang awit ang pinakamabisang tulay tungo sa kaisipan at puso ng tao lalo na ng kabataan. Ito ang tulay na dapat pagtawiran ng mga proyektong pangkabataan tungo sa kaunlaran ng isang lipunan.”
Ang “Sumulat, Umawit” ay bahagi ng buwanang serye ng mga panayam ng LIRA sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng ating panulaan at panitikan. Ang Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) ay isang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino.
Libre at bukas ang panayam sa publiko. Kung nais dumalo, makipag-ugnayan kay En Villasis sa 0922-4596365.

No comments:
Post a Comment