NEWS

Wednesday, August 5, 2009

R.I.P.: GAWAD PAMBANSANG ALAGAD NG SINING, 1972 – 2009


Requiescat In Pace

GAWAD PAMBANSANG ALAGAD NG SINING
(NATIONAL ARTIST AWARDS)
1972 – 2009

PAGDADALAMHATI NG BAYAN PARA SA GAWAD PAMBANSANG ALAGAD NG SINING
(NECROLOGICAL SERVICE FOR THE NATIONAL ARTIST AWARDS)

2pm – 5pm
Lamay: CCP Front Ramp
Prusisyon: Plaza Roma hanggang NCCA
Libing: NCCA

P R O G R A M A
(P R O G R A M)

PAGTITIPON
Kung saan magtitipon ang mga nagluluksang Pambansang Alagad ng Sining, mga artista, pangkulturang manggagawa at ang mga nakikiramay sa CCP Ramp

PROSESYONAL
Ng nga Kababaihang Nakaitim Na May Lulang Korona ng Bulaklak

LUPANG HINIRANG
Pangungunahan ni Bituin Escalante ang pag-awit ng “Lupang Hinirang”

PAMBUNGAD
Pagpapahalaga ng Pambansang Alagad ng Sining Salvador Bernal sa layunin ng pagtitipon

PARANGAL
Pagpapahalaga ng Pambansang Alagad ng Sining BenCab tungkol sa birtud ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining

PAG-ALAY NG BULAKLAK AT HIMIG
Pag-alay ng bulaklak ng mga dumalong Pambansang Alagad ng Sining habang tumutugtog ang musikerong si Renato Lucas sa cello

BALAC
Balagtasan ng mga makata ukol sa usaping “Paano Kumatay ng Pambansang Alagad ng Sining”

PAYASO
Ihahayag ni Juana Change ang kanyang panig na pinamagatang “National Artist na Ako! - Have Mercy on Us!”

DALIT
Ipagdadasal ng lahat ang Gawad Pambansang Alagad ng Sining at mananalangin na iadya sa mga budhing masasama.
Pamumunuan ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio Almario habang sumasagot ang Lahat ng sabay sabay.

MANIPESTO
Babasahin ng Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera ang Panawagan at Paninindigan ng mga Artista, Pangkulturang Manggagawa at ng Nakikiramay na Bayan.

RESESYONAL
Isasakay ang Korona ng Bulaklak sa auto-punebre at hahanay ang mga sasakyan para sa motorcade patungong Intramuros

PRUSISYON NG TAUMBAYAN
Magtitipon ang lahat sa Plaza Roma at magpuprisyon patungo sa Tanggapan ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA).

LIBING
Ililibing ang Gawad Pambansang Alagad ng Sining sa paanan ng Tanggapan, iiwan ang Korona ng Bulaklak at magtitirik ng mga kandila.

Pinapayuhan ang lahat na magsisidalo na:
Magsuot ng panluksa
Magdala ng itim na payong
Magdala ng kandila
Ipaalam kung maaring magsama ng mga kabayan sa sasakyan papuntang Intramuros (car pool)

Ito ay nagsisilbing imbitasyon at maaring ipalaganap sa lahat ng mga nagmamahal sa Sining, Kultura at Katotohanan.

No comments:

BOSES

BOSES

IBALONG

IBALONG

THY WOMB

THY WOMB


PHILIPPINE ART PUBLICATIONS










About This Blog









SECRET FRESH GALLERY

SECRET FRESH GALLERY

DRAWING ROOM

DRAWING ROOM

ALTRO MONDO

ALTRO MONDO

SINDO ARTWALL

SINDO ARTWALL

OARHOUSE

OARHOUSE

AYALA MUSEUM

AYALA MUSEUM

BLANC

BLANC

GSIS MUSEO NG SINING

GSIS MUSEO NG SINING

MUSEO DE LIPA

MUSEO DE LIPA

NAGA CITY ART GALLERY

NAGA CITY ART GALLERY

GALLERIA NICOLAS

GALLERIA NICOLAS

WEST GALLERY

WEST GALLERY

GALLERY ORANGE

GALLERY ORANGE

40TH LIKHANG SINING 2013

40TH LIKHANG SINING 2013

ART FAIR PHILIPPINES 2013

ART FAIR PHILIPPINES 2013

RIZAL ARTS FESTIVAL 2013

RIZAL ARTS FESTIVAL 2013

CINEMA REHIYON 2013

CINEMA REHIYON 2013

VIVA-EXCON LOGO DESIGN COMPETITION

VIVA-EXCON LOGO DESIGN COMPETITION

2013 AMELIA LAPEÑA BONIFACIO LITERARY CONTEST

2013 AMELIA LAPEÑA BONIFACIO LITERARY CONTEST

ANIMAHENASYON 2013 POSTER DESIGN CONTEST

ANIMAHENASYON 2013 POSTER DESIGN CONTEST


  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP