NEWS

Tuesday, March 8, 2011

PANSARILING SILID PARA KAY GREGORIA DE JESUS




Museo ng Katipunan
Pinaglabanan Memorial Shrine
Lungsod ng San Juan
9-31 Marso, 2011, Martes hanggang Linggo, 8 n.u.- 4 n.h.


Pansariling Silid para kay Gregoria De Jesus
Sining Instalasyon na likha ni Imelda Cajipe Endaya


Sa pagdiriwang ng 2011 Buwan ng Kasaysayan ng mga Kababaihan, buong karangalang hinahandog ng Museo ng Katipunan, kasama ang Kagawaran ng Edukasyon at ng Turismo ng Pamahalaan ng Lungsod ng San Juan, ang isang pagtanghal ng sining ni Imelda Cajipe Endaya, internasyonal na artista ng sining biswal.

Sa panahong itong tayo’y nagagapi ng mga kunwari’y bayani at mga kontrabidang binabayani, at mga bayaning huwad, mithiin ng maylikha ang ibalik sa pangkalahatang alaala ang mga tunay na bayani ng kasaysayang Pilipino, upang magbigay inspirasyon sa kasalukuyang buhay. Sa pagkakataong ito, si Gregoria “Oriang” De Jesus ang pinili niyang paksa. Si “Oriang” ay makabayang kabiyak, ina, manunulat, mananahi, punong abala sa pagsaka, kawal, kalihim, at taga-ingat ng simbolo at dokumento. Mapanganib ang naging buhay niya noong panahon ng rebolusyon laban sa mga Kastila. Bilang babae, higit na matindi ang kanyang pinagdaanan; pati na sa kamay ng mga Katipunero, kung saan siya at ang kaniya lider na asawang anak pawis ay kasapi, nguni’t binalikwasan ng naghaharing-uri.

Ang pamagat na “Pansariling Silid” ay hango sa salaysay noong 1929 ni Virginia Woolf na tapagtaguyod ng karapatan ng kabababihan. Sinabi niya na ang babae ay kailangang may sariling hanap buhay at sariling silid, kung nais niyang magsulat, magpinta ng sining, gumawa ng musika o gumanap sa serbisyong pambayan,

Ang instalasyon ng sining ay binubuo ng isang pintura sa kambas, apat na larawang tarpolin, makahulugang pag-aayos ng mga kasangkapan at bagay na napulot, mga salitaing hango sa ni Gregoria De Jesus, tulad ng tulang sinulat niya pagkamatay ng unang asawang si Andres Bonifacio. “Maypag-asa” ang lihim na bansag kay Bonifacio at ito rin ay tumutukoy sa Bayan. Kaya't masasabing ang pag-ibig na inukol niya sa asawa at sa bayan ay iisa.

“Walang Lihim” (2011) Acrylic at dikit na tela sa canvass, 48”x 26”x 2”, ay ang centerpiece ng instalasyon. Lawaran ito ng bayani ng rebolusyon pinatungan ng mapa ng Pilipinas, at ng mga salitang “Matakot sa kasaysayan...walang lihim na hindi nahahayag.” Patuloy na may kahalagan ang mga salitang ito ating panahon ngayon. Ang kambas ay nakasabit sa itaas ng naka-displey na ripleng sandata noong ika-19 na siglo. Napag-alaman nating si Oriang bilang kawal ay sanay gumamit nito.

“Larawan ng Artista bilang Gregoria de Jesus (2010)” likhang inimprenta sa tarpolin: Sa kaliwa ay isang upuan. Ito ay sagisag ng kapangyarihan at pananagutan, na isinaalang-alang sa bayaning Oriang. Ito ay patukoy na rin sa lahat ng kababaihang may paninindigan at may hangaring wagas sa buhay. Sa kanan naman ay larawang kathang isip kung saan pinaghalo ang mga katangian ng ng mukha nang maylikha at ng mukha ni Oriang.

May di tapos na itim na watawat ng Katipunan ang nakasampay sa silya. May gintong tsinelas sa ilalim nito, na nagbabadyang si Oriang ay nanatiling buhay at kasama sa silid. Si Oriang ang nagtahi ng unang pulang watawat ng Katipunan na may KKK. Nguni’t pina-itim ito ng maylikha upang ipahiwatig na ang mga importanteng ambag ng rebolusyonaryong si Oriang ay inilibing na sa limot. Pagmasdan din ang mga itim na kahon na may uling at tuyot na bulaklak – mga mahahalagang bahagi ng sining instalasyon. Ano ang kahulugan nito? Mai-uugnay mo ba ang kahalagahan ng mga simbolong ito sa buhay ni Oriang? At sa iyong buhay?

Ang Bayaning Oriang (2010) likhang inimprenta sa tarpolin: Nasa kaliwa ay larawan ni Oriang bilang nakababatang mandirigma. Ang katawan niya’y balot ng mga salawikaing hinango sa kanyang tula. Sa kanan naman ay larawan ng bulaklak at mga salitang nagbibigay dangal kay Gregoria de Jesus.

Ang 2011 instalasyon na ito hango sa orihinal na instalasyon na unang inilahad sa eksibisykong “Tutok: Ano Bayani?! na ginanap sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP).

Pinagbatayan ng saliksik:
Cristina Pantoja-Hidalgo, Pinay: Autobiographical Narratives by Women Writers, 1926-1998, Ateneo University Press, 2000
Encarnacion Alzona , Julio Nakpil and the Philippine Revolution , Manila, Carmelo and Bauermann, Inc. 1964
Bahay Nakpil Bautista, Curator: Teresita Obusan, PhD.


TUNGKOL SA MAYLIKHA:
Si Imelda Cajipe Endaya ay alagad ng sining na lumilikha ng pintura at mixed media sa kambas, limbag-kamay, at instalasyon. Ang mga likha niya ay naglalarawan ng mga isyu at tema ukol sa bayan, kasarinlang Pilipino, kasarian, pangingibang-bayan, at globalisasyon mula sa pananaw ng isang mulat na Pilipina. Pinarangalan siya ng CCP Gawad Sentenyal Para sa Sining noong 1999 mula sa Republika ng Pilipinas, at ng Gawad Araw ng Maynila noong 1998. Siya’y nakilala dahil sa mga likha niyang bumandila sa katayuan, kahalagahan, at karapatan ng mga kababaihan. Nagwagi siya ng Irwin at Florence Memorial Award, ang pinakamataas premyo mula American Society of Contemporary Artists sa New York sa taunang timpalak noong 2008, at nga Ani ng Dangal mula sa Pambansang Komisyon para sa Sining at Kultura noong 2009. Ang mga likha niya ay nasa permanenteng koleksiyon ng Metropolitan Museum ng Maynila, Pamabansang Museo ng Pilipinas, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, Fukuoka Asian Art Museum, Okinawa Museum, at sa Singapore Art Museum.

No comments:

BOSES

BOSES

IBALONG

IBALONG

THY WOMB

THY WOMB


PHILIPPINE ART PUBLICATIONS










About This Blog









SECRET FRESH GALLERY

SECRET FRESH GALLERY

DRAWING ROOM

DRAWING ROOM

ALTRO MONDO

ALTRO MONDO

SINDO ARTWALL

SINDO ARTWALL

OARHOUSE

OARHOUSE

AYALA MUSEUM

AYALA MUSEUM

BLANC

BLANC

GSIS MUSEO NG SINING

GSIS MUSEO NG SINING

MUSEO DE LIPA

MUSEO DE LIPA

NAGA CITY ART GALLERY

NAGA CITY ART GALLERY

GALLERIA NICOLAS

GALLERIA NICOLAS

WEST GALLERY

WEST GALLERY

GALLERY ORANGE

GALLERY ORANGE

40TH LIKHANG SINING 2013

40TH LIKHANG SINING 2013

ART FAIR PHILIPPINES 2013

ART FAIR PHILIPPINES 2013

RIZAL ARTS FESTIVAL 2013

RIZAL ARTS FESTIVAL 2013

CINEMA REHIYON 2013

CINEMA REHIYON 2013

VIVA-EXCON LOGO DESIGN COMPETITION

VIVA-EXCON LOGO DESIGN COMPETITION

2013 AMELIA LAPEÑA BONIFACIO LITERARY CONTEST

2013 AMELIA LAPEÑA BONIFACIO LITERARY CONTEST

ANIMAHENASYON 2013 POSTER DESIGN CONTEST

ANIMAHENASYON 2013 POSTER DESIGN CONTEST


  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP