Unang Pahid
Julmand Vicente
First Solo Exhibition
15 October – November 2011
Artistspace, Ayala Museum
Unang Pahid – Bunga ng unang sangkap ng pag-ibig, ideya at galling sa larangan ng sining. ang mga payak na tuldok at guhit sa paningin ng karamihan ay binigyang buhay ni Julmard D. Vicente sa pamamagitan ng Malaya at makabagong istilo sa pagguhit. Ang pagtitipon-tipon ng mga ideya, kakayaahan, lakas, mahaang pagtitiis at puso sa bawat oras na inilaan ay isang patunay na buhay ang Sining sa Pinas!
Nais nyang makilala ang kanyang mga likha sa isang natatangi o kakaibang istilo na tatatak sa puso’t isipan ng mga makakakita nito. Ito rin ay pagpapakilala sa kanyang pagkakakilanlan o identity bilang alagad ng sining. Nilalayon nya na ang kanyang mga obra ay maging isang malaking ambag at pitak sa mga kapwa niya pintor at nagnanais na sumunod sa kanyang mga yapak. Ang mga banat o “stretch” na istilo na kanyang iginuhit ay simbolo ng kapangyarihan at kagandahan ng malayang pagguhit.
Ang pamagat ng kanyang iksibisyon ay halaw sa kanyang paniniwala na ang isang pintor ay walang limitasyon sa pagtalon sa dagat ng imahinasyon at hindi nakakuyom ang mga palad sa kakarampot na ideya sa pagpahid ng brutsa, at himay-himay na kulay ng kasalukuyang reyalidad ng buhay, hindi pikit ang mga mata sa kakayahang unti-unting nababanaag. Ang bawat iginuhit, patak ng pawis, oras na inilaan, ang dugong sining na nananalaytay pasa sa Diyos at Bayan, ay nag-umpisa sa UNANG PAHID.
Ang Unang Pahid ay ang kauna-unahang iksibisyon ni Julmard D. Vicente sa The Ayala Museum sa ika-15 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre 2011.